Ang mga CFD ay kumplikadong mga instrumento at mayr mataas na peligro na mawala nang mabilis ang pera dahil sa leverage. Dapat mong isaalang-alang kung kaya mong harapin ang mataas na peligro ng pagkawala ng iyong pera. NAKUHA KO
Ang minimum na deposito ay 250 EUR/ USD at 34,500 JPY.
Oo, maaari mong gawin iyon, ngunit makakapag-trade ka lamang gamit ang demo account.
Maaari kang magdeposito ng mga pondo sa mga sumusunod na pananalapi: EUR, USD, JPY.
Maaari mong kanselahin ang iyong withdrawal basta’t hindi pa naiproseso ang pagpadala nito.
Ang minimum na halaga para sa mga withdrawal mula sa iyong Phoenix account ay 10 EUR/ USD o 1,500 JPY para sa Credit Card at 100 EUR/ USD o 15,000 JPY naman para sa Wire Transfer. Kung gumagamit ka ng mga e-wallet, maaari kang makapagwithdraw ng anumang halaga basta’t saklaw nito ang naaangkop na bayarin.
Kakailanganin mong mag-sign in sa iyong account at pagkatapos ay sundan ang mga simpeng tuntunin sa pahina ng mga withdrawal.
Ang proseso ng pag-withdraw ay umaabot ng 8 hanggang 10 araw ng trabaho para matanggap ang iyong kahilingang mag-withdraw. Maaari itong magbago batay sa iyong lokal na bangko.
Oo, maaari kang mag-withdraw kahit kailan basta’t mayroon kang sapat na margin sa iyong account upang bayaran ang halaga ng withdrawal at anumang karagdagang bayarin na maaaring lumitaw.
Nakareserba ang karapatan ng Kompanyang magpataw ng bayarin sa withdrawal batay sa mga pangyayari. Matatagpuan mo ang lahat ng nauugnay na impormasyon sa dokumentong pinamagatang General Fees. Mangyaring basahin ito nang mabuti.
Makipag-ugnayan sa aming pangkat pangsuporta sa pamamagitan ng email, telepono, o sa pagkumpleto ng form sa aming website nang sa gayon ay matugunan namin ang naturang isyu sa lalong madaling panahon.
Ligtas at protektado ang pagkapribado ng lahat ng impormasyon. Para sa layuning ito, gumagamit kami ng makabagong teknolohiyang panseguridad at 128-bit SSL na encryption.
Tinuturing na gumagana ang isang kompyuter kapag nagtataglay ito ng: Explorer 8.0, Google Chrome 4.0, o Firefox 3.6. Bukod dito, maaaring kailanganing mag-install ng Flash Player.
Ang Phoenix LTD ay awtorisado at regulado ng Financial Services Authority (FSA) ng Seychelles na may taglay na bilang ng lisensya: SD113. Nangangahulugan ito na mayroong mga katawang namamahala sa aming mga operasyon upang tiyakin ang kaligtasan ng aming mga kliyente. Bisitahin ang aming pahinang Legal upang basahin ang lahat ng impormasyon tungkol sa paglilisensya at regulasyon.
Upang makapag-trade, kailangan ay higit 18 taong gulang ka na.
Ang margin deposit ay isang seguridad na dapat ideposito ng trader sa broker upang panagutan ang ilan sa mga panganib na ginagawa ng mangangalakal. Karaniwang inilalarawan ito bilang porsyento at kumakatawan ito ng bahagi ng isang posisyon ng pangangalakal. Maaaring isipin ang margin bilang deposito sa lahat ng iyong mga bukas na posisyon.
Ipinahihiwatig ng mga margin call na ang isa o higit pang seguridad sa loob ng margin account ay bumaba ng halaga. Merong Margin Call Level na 100% ang Phoenix. Ang ibig sabihin nito ay magpapadala kami ng abisong babala kung ang antas ng iyong margin ay umabot ng 100%, na nagpapahiwatig na 100% ng iyong kasalukuyang equity ay katumbas o mas mababa pa sa iyong Used Margin o ginamit na margin.
Ang stop-loss order ay isang limit order kung saan ang isang trade ay isinasara kapag umabot ng isang tukoy na presyo. Ang layunin ng mga stop-loss order ay limitahan ang pagkatalo ng isang mamumuhunan tuwing nangangalakal ng isang seguridad.
Ang Leverage ay isang mahalagang katangian ng pangangalakal ng mga CFD sapagkat pinahihintulutan nito ang mga namumuhunan na palawakin ang kanilang pagkalantad sa merkado sa pamamagitan ng pagbayad ng mas mababa sa kabuuang halaga ng pamumuhunan. Pinahihintulutan ng Phoenix account ang paggamit ng leverage sa pamamagitan ng margin trading. Mahalagang alalahanin na ang leverage ay maaaring palakihin ang pagkapanalo at pagkatalo.
Maari mong tingnan ang lahat ng iyong mga nakalipas na transaksyon sa pamamagitan ng pag-sign in sa iyong account, pagtungo sa bahagi ng “Ang Aking Wallet,” at pagpili sa ‘Kasaysayang Pangtransaksyon’. Doon mo maaaring irehistro ang lahat ng iyong mga nakalipas at kasalukuyang mga transaksyon.
Ang balanse ng iyong account ay makikita sa iyong dashboard matapos mong mag-log-in, sa kanang sulok sa itaas at sa gitna ng pahina.
Dapat mong ipaalam ang anumang pagbabago sa kumpanya. Maaari mo itong baguhin sa iyong account o sa pamamagitan ng aming suportang pangkliyente.
Nag-aalok kami ng 5 uri ng personalisadong mga trading account upang tumugon sa iyong mga pangangailangan. Tuklasin ang higit pa tungkol dito sa seksyon ng Trading Accounts ng aming website.
Nag-aalok kami ng maximum leverage na 1:400 para sa bawat trading account.
Hihingin ng Phoenix ang sumusunod na dokumentong pamberipika na dapat isumite, na ibinigay sa pangalan ng nagmamay-ari ng account:
1. Wastong Katunayan ng Pagkakakilanlan – Identipikasyong may larawan, kabilang ang pasaporte (dapat makita ang magkabilang pahina), ID card (magkabilang panig), o lisensya sa pagmamaneho (magkabilang panig).
2. Wastong Katunayan ng Paninirahan (inisyu sa loob ng nakaraang 6 buwan) – Statement mula sa bangko o credit card (tinatanggap ang mga elektronikong kopya tulad ng PDF) o kamakailang bayarin para sa mga serbisyo (tulad ng tubig, kuryente, telepono, internet, o buwis). Mangyaring unawain na hindi kami tumatanggap ng bayarin para sa Mobile Phone.
3. Tiyakin ang iyong pamamaraan ng pagbayad sa pamamagitan ng pagpapadala ng litratong may kulay ng magkabilang panig ng iyong credit o debit card, na malinaw na ipinapakita ang unang 6 at 4 na tambilang ng naturang bilang ng Credit o Debit Card. Siguraduhing nakatakip ang CVV sa panlikod na panig.
4. E-wallet – mangyaring magpadala ng isang screenshot ng e-wallet na ipinapakita ang iyong pangalan, email, at e-wallet ID na kinuha mula sa iyong kompyuter.
Upang gamitin ang iyong account, pindutin lamang ang ‘Login’ button sa kanang bahagi ng website sa itaas, at ilagay ang iyong username at password.