fbpx

Ang mga CFD ay kumplikadong mga instrumento at mayr mataas na peligro na mawala nang mabilis ang pera dahil sa leverage. Dapat mong isaalang-alang kung kaya mong harapin ang mataas na peligro ng pagkawala ng iyong pera. NAKUHA KO

Ang mga CFD ay kumplikadong mga instrumento at mayr mataas na peligro na mawala nang mabilis ang pera dahil sa leverage. Magbasa ng higit pa

Mga Reklamo

Pamamaraan sa Mga Reklamo ng Kliyente

Kami, ang Phoenix Limited, ay ipinagtitibay ang proseso ng pagreklamong ito upang tiyakin na ang mga reklamo na maaaring magmula sa aming relasyon ay patas na dudulugin sa napapanahong pamamaraan. Pinahihintulutan at pinangangasiwaan ang Kompanya ng Financial Services Authority (FSA) ng Seychelles na mag bilang ng lisensya: SD113. Ang bilang ng rehistro ng Phoenix LTD ay 8430083-1.

1. Pagsusumite ng Reklamo

Kung nais mong magsumite ng reklamo sa kompanya, mangyaring kumpletuhin at isumite ang form ng pagreklamo (mangyaring i-click lamang ang link sa ibaba). Ipinaaalam namin na nakareserba sa Kompanya ang karapatang hindi tumanggap ng anumang reklamong isinumite sa pamamagitan ng anumang ibang pamamaraan o paraan (hal. telepono, atbp.). Gamitin ang sumusunod na link upang makapasok sa form ng pagreklamo.

O makipag-ugnayan sa: [email protected]

Matapos mong wastong kumpletuhin at maisumite ang iyong reklamo, sasailalim sa proseso at susuriin ng Compliance Department ng Kompanya ang iyong reklamo at makikipag-ugnayan sa iyo.

2. Pagtanggap sa iyong Reklamo

Ipapaalam namin ang pagtanggap sa iyong reklamo sa loob ng limang (5) araw mula sa pagtanggap ng iyong reklamo at magbibigay kami ng bilang ng reperensyang may kaugnayan sa iyong reklamo. Ang nag-iisang bilang ng reperensyang ito ay dapat gamitin sa lahat ng iyong pakikipag-ugnayan sa Kompanya, sa Financial Ombudsman, at sa Financial Services Authority (FSA) tungkol sa naturang reklamo.

3. Pagproseso ng iyong Reklamo

Matapos naming kumpirmahin ang pagtanggap ng iyong reklamo, masusi namin itong susuriin, at iimbestigahan ang mga sirkumstansyang bumabalot sa iyong reklamo at susubukan naming tugunan ito ng walang anumang hindi nararapat na pagkaantala. Gagawin namin ang lahat ng pagsisikap para imbestigahan ang iyong reklamo at ipamahagi sa iyo ang kalalabasan ng aming imbestigasyon sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa petsa ng iyong pagsumite ng reklamo sa amin. Sa loob ng proseso ng imbestigasyon, pananatilihin ka naming napapanahon sa proseso ng pagtrato ng iyong reklamo. Maaari kang kausaping diretso ng isa sa aming mga opisyal (kabilang ang komunikasyon sa pamamagitan ng email o telepono) upang humiling ng karagdagang paglilinaw at impormasyon ukol sa iyong reklamo tuwing kinakailangan ito. Kakailanganin namin ang iyong lubos na kooperasyon upang pabilisin ang imbestigasyon at ang posibleng resolusyon ng iyong reklamo. Kung ang Reklamo ay higit na kumplikado at mangailangan ito ng mahigit tatlumpung (30) araw upang mairesolba, ipapahiwatig namin ang mga dahilan sa pagkaantala. Mangyaring tandaan na upang pabilisin ang imbestigasyon, kinakailangan/hinihiling namin ang iyong lubos na kooperasyon.

Mangyaring unawain na ituturing ng Kompanya ang iyong reklamo bilang sarado at ititigil nito ang kaugnay na imbestigasyon sakaling hindi ka tumugon sa aming mga opisyal sa loob ng tatlong (3) buwan mula sa petsa ng pagsumite ng iyong reklamo. Kapag nakapagpasya kami sa resulta, ipapaalam namin ito sa iyo kasama ng pagpapaliwanag ng aming posisyon at anumang hakbang na balak naming isagawa upang tugunan ito (kung nararapat).

phoenix logo
phoenix logo

A. Mga Detalye ng Pakikipag-Ugnayanan Tungkol sa mga Reklamo

Kapag ang mga pakikipagtalo sa pagitan ng Kompanya at ng Nagrereklamo ay hindi maresolba pamamagitan ng opisyal na pamamaraan ng Kompanya, maaaring maghanap ng alternatibong paraan ang Kliyente para ihabla ang kanyang Reklamo. Kung, pwera sa imbestigasyong isinagawa ng Kompanya, ang Reklamo ng Kliyente ay ibinasura ng Kompanya at/o hindi naresolba, ang Nagrereklamo ay maaring maghain ng apela sa FSA, para maipatupad ang mga kinakailangang tuparing aksyon. Matatagpuan ng Kostumer ang karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng FSA website https://fsaseychelles.sc/complaint-handling at gayundin sa sumusunod:

Financial Services Authority (FSA):

Kinakailangang punuin ng mga naghahabla ang Form ng Pangangasiwa ng Reklamo bago imbestigahan ang anumang reklamo ng Financial Services Authority.

Lahat ng impormasyong nakasaad sa form ay dapat ipamahagi. Ang Form ng Pangangasiwa ng Reklamo, na matatagpuan sa website ng FSA ay pwedeng isumite sa alinman sa sumusunod na paraan:

1. Email address: [email protected]
2. Pormal na liham na naka-address sa: Chief Executive Officer
Policy (Information & Communication Unit)
Financial Services Authority
Bois De Rose Avenue
P.O Box 991, Victoria
Mahé, Seychelles
3. Personal na pagbibigay sa awtoridad: Bois De Rose Avenue, P.O. Box 991, Victoria, Mahé, Seychelles
Link sa form ng pangangasiwa ng reklamo https://fsaseychelles.sc/other-fsa-documents/complaint-form/download

Maaari mong panatilihin ang iyong reklamo sa Financial Services Authority. Ngunit mangyaring unawain na ang FSA ay walang taglay na kapangyarihan para sa kabayaran at samakatuwid ay hindi nag-iimbestiga ng reklamong indibidwal. Nauunawaan na ang iyong karapatang magsagawa ng aksyong pambatas ay nanatiling hindi apektado ng pag-iral o paggamit ng anumang proseso sa pagrereklamong tinutukoy sa itaas.